Our summer adventure in the famous island in Mindoro.
Jay went to visit me in my mouse Thursday night and to spend the night there with me. The original plan was to go to Gallera the next day. However, with him is his bad news that pushed us to cancel the plan. So I texted Hazel agad na cancel na ang plano dahil excited pa naman itong kaibigan ko about the trip.
Sa SM Muntinlupa kami nagkita to have a dinner dahil ang ulam sa bahay ay Pork Adobo, which I am sure na di kakainin nang asawa ko. So nag-Mang Inasal kami and there we discussed why we have to cancel our trip. Naintindihan ko naman kaya okay lang sa akin. Then after dinner, he wanted to go to his kababayan na malapit lang sa village namin. Pumunta kami doon after namin kumain. And nakakatuwa dahil yung house nang kakilala niya ay katabi lang nang house nang old friend ko. Small world talaga. There, nagkuwentuhan lang sila while I watched the American Idol na kasalukuyang palabas sa T.V. nila. Di ko sila maintindihan kasi coz' they are using their dialect. Hehe. After, we went home na.
It was our bonding time. Kuwentuhan. Harutan. Wala lang, spending the night with each other lang. Inside of me, kahit naiintindihan ko na why we need to cancel our Gallera plan, gusto ko pa din pumunta. Feeling ko kasi, it was the right time to go there. Actually, nag-isip pa nga ako nang alternative dahil wala kaming gagawin sa house in his 3 days 2 nights visit sa akin. Pero di ko na inentertain yung mga thoughts, natulog na lang kami.
The next day, nagising kami nang maaga. Ay mali, ako pala. Siya, antok pa. Hehe. Pinakain ko na si Thokie. Gusto ko din paliguan na, pero naisip kong dalawa kaming magpaligo. So I went back to the room to ask him, kaso ako ang nahila sa kama. Hehe. Niyakap na ako at tinali na nang malalaki niyang braso. So, sige, fine, higa na lang ulit at hintayin siyang magising.
When my mom called us na for breakfast, bumangon na kami. After eating, eto ang nakakatuwa. Bigla naming napagkasunduan na tumuloy na nang Gallera kahit overnight lang at di na 3 days 2 nights. Whapak!!! Siyempre, nataranta ako. Bigla kaming nag-ayos nang gamit. Isinama ko na din kapatid ko. Pinag-ayos ko siya kahit tulog pa. Hehe. At tinawagan ko ang bestfriend ko at pinuwersang sumama. Sobrang biglaan na naman. Parang last year, yung first time ko din sa Gallera, sobrang biglaan lang din. Yung tipong nagkayayaan, then, ayun, nasa Gallera na kamil. Hehe.
So everything worked out, napagpaalam ko na si Jem, okay na yung kapatid ko, okay na kami, so we are all set. However, di makukumpleto ang trip kung walang camera. Kaso, my camera is with Jhen. So we have to go to work pa to get my camera to her. I texted Raech na dadaan kami sa work so she and the rest of the gang can meet Jay na. Parang hitting two birds with one stone lang. When we got there at work, unfortunately, Raech was the only one to meet Jay and my sister. KG was still on the call and can't go down, while Kate was surprised by her boyfriend and had to leave immediately. After, we left na as Jem was waiting in Manila na for us.
Hassle ang travel to Manila, we had no choice but to ride a non-aircon bus dahil wala nang available na aircon. Since we are time-constrained, pinatulan na namin. Pagbaba sa Dela Rosa, nag-cab na lang kami. Pagdating sa 7-Eleven, wala pa pala ang Jem. Nauna pa kami. Saya di ba. Kaya namili na lang kami nang mga baon while waiting for her. Kaya saktong pagdating niya, umalis na din agad kami.
Nagmadali na kami at baka late na kami dumating doon. Sayang naman ang overnight escapade kung mabibitin lang kami. Kaya sakay agad kami nang bus. Sa kamamadali, mali pa yung bus na nasakyan namin. We got the bus na iikot pa sa madaming bayan nang Batangas. It was my fault. Akala ko, basta may sign na Batangas Pier, yun na yun. Di pala. Hehe. But anyway, it was okay na din kasi since wala pang tulog si Jem, she had the chance to get some rest on the bus. Kami naman ni Jay, sanay kami sa mga long travel kaya walang problema sa amin. Nakapagbonding pa kami. Kuwentuhan to the max ulit. Pagdating sa Pier, as usual, ang mga namumutakteng mga lalake na hihigitin ka talagang bumili sa kanila nang boat ride to Gallera. Binantayan ko na si Jay at baka makipag-away at ayaw niya nang mga ganun, same with my sister na baka ma-overwhelm sa kakulitan nang mga bubuyog. Hehe. It was Jay and my sister's first time to Gallera, by the way.
Things have changed na nga sa Pier as was mentioned to me by Jem before. Iba na yung set-up. We chose a big boat for our sea travel dahil takot nga ako sa alon. Hehe. Sakto yung nakuha naming boat trip dahil paalis na. Dere-deretso lang kami at sakay agad, then left the Pier. And to my surprise, the trip was so smooth na di ako nakaramdam nang alon. Sobrang saya ko. Eventhough kasama ko naman si Jay, na expert sa paglangoy, may konting fear pa din, but thank god, it was a smooth sailing.
Pagbaba, I immediately welcomed Jay and my sister. Hehe. Medyo madami nang tao, but knowing Gallera, di pa yun ang pinaka-madami. Medyo may konting pagbabago nga rin ang gallera, but still, the same island na puno nang taong gustong magbakasyon. Pagsundo sa amin nung kinuha naming room, nag-init yung ulo ko dahil dinadala kami sa malayong lugar at hindi sa beach front. I stopped and asked the guide to cancel na lang as I don't want to stay overnight sa Gallera na mauubos lang ang oras namin sa pagpunta sa beach sa layo nang titirhan namin. Di ko na pinansin kung masisira ako sa kausap ko, ang inisip ko na lang, how can we, especially the people na first time sa Gallera, enjoy the overnight escapade. I booked another room na beach front lang kahit mas mahal. Feeling ko kasi, inunder estimate nung kausap ko ang kakayanan kong magbayad. Umiral tuloy yung pride ko. Shet! Hinayaan ko nang mag-away away yung mga taong nagbebenta nang rooms, basta I needed one at that time dahil pagod na din ako. Pagkapasok sa room, we immediately settled in.
Gusto ko sanang magpahinga muna, but knowing Jay, basta nakakita nang dagat at buhangin yun, gusto agad lumusong. Nag-aya agad bumili nang board short at magsiswim na daw. Since naging parang biglaan yung lakad kahit naplano na ahead, walang dalang gamit si Jay dahil siya na nga ang nag-cancel. So nanghiram lang siya nang mga gamit sa akin at yung iba, bumili na lang kami. Pinabihis na rin namin sina Jem at Grace para maligo na. And here are some of our kulet pics:
Pagkatapos naming magbabad sa tubig, as in literally babad talaga, nagbihis na kami at gutom na kami. It's time for us to have our dinner. Ang sarap maligo, lalo na kasama si Jay. We stayed at the boat, na nakababad lang, dahil nauna nang umahon yung mga babae. Pinahiga lang ako ni Jay sa lap niya at hindi siya nahiya kahit madaming nakakakita. Sweet talaga. Pinagmamasdan lang namin ang mga tao, and how he compares Gallera to Boracay. It was a great and well spent summer night with him. So, we looked for a place for us to eat na nga at gutom na kaming lahat. Inuna namin ang ligo kahit lahat kami, wala pang lunch, lalo na si Jem at Grace na wala pa ding Breakfast.
Pagkakain, since sobrang napagod kaming dalawa sa kakalangoy, inantok na kami at nauna nang natulog. Hinayaan na namin yung dalawang babae na magenjoy nang gabi. Nakatulog din agad kami. Hanggang sa nabulabog na lang kami nang bandang alas-tres nang umuwi sila na medyo lasing at si Jem ay nagwawala na. Naghanap pa kami nang Kape at gustong painumin ni Jay nang mabawasan ang kalasingan. Pero the effort, di din pinansin, so hinayaan na lang naming matulog. Kami naman, since umaga na din, nag-ayos na kami and decided to take a swim again. But before leaving, nag-igib pa nang water si Jay for the girls once they wake up dahil nagka problem sa water system nung hotel. Sipag talaga.
We looked for a spot na di masyado crowded. Hassle maligo pag siksikan eh. Kahit dalawa lang kami, at bagsak pa yung kasama namin sa kama, inenjoy namin at ligo to the max, with photo sessions on the side. Hehe. Di pa din nabawasan yung kalambingan nang asawa ko. Akala ko nung gabi lang siya maglalambing in public dahil medyo madilim. But no, he still showed his affection to me even there were eyes who are staring under the sun. Sweet talaga. Nang tinamad na akong maligo, nagpamasahe na lang ako, habang nasa tabi ko lang siya, binibilad ang maganda niyang katawan at nakabantay sa akin. Hehe.
Pagkatapos, bumalik na kami sa room at umalis na daw si Jem. She has a party to attend to that's why she has to leave early. Binalikan namin ang kapatid ko. Since gising naman na pala siya pagdating namin, Jay and I decided to take a bath na and rest for a few minutes.
Pero pagkaligo, mukhang nahawa na si Jay sa pagka-adik sa camera, photo session siya mag-isa, being vain again with his physique. Hay!!! Hehe. Ako, kinukulit ko lang siya. Hehe.
Bago pa mag 11:30am, nagcheck-out na kami so we can have our lunch bago pa yung 12:30pm boat trip namin. Since hindi naman ako masyado gutom, yung dalawa lang ang kumain nang talagang kain. Ako, pacute lang sa chicken sandwhich at pineapple shake. Sarap.
Then we left na with Jay and Grace's first gallera adventure in their hearts. All in all, we enjoyed the trip. Although, overnight lang siya, hindi namin naramdaman na saglit lang kami. It was just enough and we feel that we were able to do things that we want to do on that trip. For me, nagsawa na ako sa Gallera and I don't think I'll be back pa. Jay didn't like it that much din and didn't get another reason to come back. Although he enjoyed because of who he was with, it was the place I guess. So, for another destination for me and Jay...