Day Break
The movie that can speak for me...
06.04.2008
Papalubog na naman ang ilaw
Nagpapaalam na naman ang araw
Ang gabi ay muling mamamayani
At ang lamig ay hahaplos sa pisngi
Ilang araw na ang lumipas
Magmula nang ika’y magpaalam
Ilang gabi na ang nagdaraan
At ang pag-iisa’y tila di na makayanan
Ngunit kailangang kong
indahin ang lamig ng gabi..
Ngunit kailangan kong
tanggaping wala ka na sa tabi..
Nag-iisa, wala ka na..
Wala ka na, nag-iisa..
Alaala’y nagbabalik sa isip
Mga larawan ng bawat sandali
Pag-ibig nating sinumpaan
Ipinangako sa liwanag ng buwan
Ngunit kailangang kong
indahin ang lamig ng gabi..
ngunit kailangan kong
tanggaping wala ka na sa tabi..
wala ka na, nag-iisa..
nag-iisa, wala ka na..
Ngunit kailangan ko nang masanay
At tanggapin na lumisan ka na ng tunay
Ang lahat-lahat ay bubuti
Ang pag-ibig ay mananatili
Lagi’t lagi…
Hanggang sa walang hanggan…
Posted by Lakwatsero 12:54